Masamang dulot ng bisyo ituturo sa high school

ITINUTULAK ng mag-inang mambabatas na sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo  at Diosdado M. Arroyo ang batas hinggil sa pagtuturo sa public at private high school ng masasamang epekto ng mga bisyo gaya ng droga, paninigarilyo at alkohol sa kalusugan.

Ayon sa mag-inang Arroyo, ang House Bill 4614 ay naglalayong isali sa health education sa sekondarya ang pagtuturo ng mga negatibong epekto ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at paggamit ng iligal na droga.

Bukod anila sa maagang pagbubuntis na nagiging pangunahing problema ng mga kabataan ay malaking problema rin ang pagkakaroon ng bisyo lalo na kung ang magbibisyo ay buntis.

Tinukoy ng dating pangulo na ang labis na pag-inom ng alkohol habang nagbubuntis ay delikado at maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng sanggol.

Dapat din aniyang malaman ng teenagers ang maaring kahihinatnan ng paggamit ng droga  habang butis at ang mga kasasangkutang kaso.

“Many substances including alcohol, nicotine, and drugs  have negative effects on the developing fetus. Nicotine has been connected with premature birth and low birth weight as has the use of cocaine,” dagdag pa ni Arroyo

Napatunayan na aniya sa isang scientific studies na ang mga ina na gumagamit ng marijuana ay nagiging bansot, magaan at maliit ang sukat ng ulo ng kanilang ipinapanganak na sanggol  kaysa sa mga ina na hindi nagdo-droga.

Naniniwala ang mga mambabatas na malaking tulong sa mga teenager na malaman ang mga masasamang epekto ng mga nabanggit na bisyo sa kanilang kalusugan at maging sa kanilang  kinabukasan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply