Matadero tinaga ang kainuman

NAKALIGTAS sa pag-atado ng matadero ang isang lalaki matapos itong tagain sa leeg at kamay ng butcher’s knife noong Biyernes ng madaling araw, Hunyo 10, sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City.

Sa ipinarating na ulat ng Barangay Fort Bonifacio Security Force (BSF) sa Taguig Police Station, kinilala nina arresting officers Andres Omana at Fernando Cambi ang nanghalihaw ng taga na si Jojo Q. Sadullo, 36, matadero at nakatira sa Sitio 3 Blk. 3 Nino, Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City habang ang biktima naman ay nakilala sa pangalang Randy Q. Rili, 26, walang hanap-buhay at nakatira sa 83 Zone 3 Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

“Habang nag-iinuman sila naalala ng suspek ‘yung utang ng biktima kaya siningil niya ito, pero palaging ikinakatwiran ng biktima na wala siyang pera,” anang mga BSF members.

Dahil sa nakainom ang matadero at hindi umano nito nagustuhan ang ginagawang pag-iwas ng nangutang kaya naisip nitong gumawa ng maling hakbang.

Agad na isinugod ang biktima sa Jose Reyes Memorial Hospital kung saan maagap na naisalba ang buhay nito.

Ang suspek ay mabilis namang nadakip ng mga nagpapatrol na BSF hindi kalayuan sa pinangyarihan ng krimen. PP Corpus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply