Matandang babae, lumutang sa ilog

NATAGPUANG lulutang-lutang ang isang matandang babaeng naka-duster at long sleeves na balabal sa Baseco Compound sa Port Area, Manila nitong Huwebes ng umaga, June 23.

Tinatayang nasa edad na 60 hanggang 65 ang biktima at ang tanging palatandaan nito’y may tahi sa kaliwang paa at kasalukuyan itong naka lagak sa Universal Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at sa pagkakakilanlan ditto.

Batay sa ulat ni Detective Dave Tuazon ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 9:30 a.m. nang mamataan ng isang tambay na si Jose Pasto, 35, ang bangkay ng matanda sakop ng Baseco Compound.

Malaki ang hinalang nadulas sa gilid ng Ilog Pasig ang matanda at nawalan ito ng panimbang na nagtuloy-tuloy ito sa tubig.

Hinala din na sa iba nahulog ang matanda dahil walang nakakakilala sa bangkay, kaya patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan sa nasabing matandang babae.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply