Matataas na uri ng bala nasamsam sa bodega ng mga Ampatuan

NASAMSAM ng awtoridad ang iba’t ibang matataas na uri ng mga bala sa sinalakay na warehouse na pag-aari ng pamilyang Ampatuan sa Maguindano, Sabado ng gabi.

Sa ulat ni Philippine Army’s 6th Infantry Division public information office chief, Col. Prudencio Asto, sinalakay ng kanilang mga tauhan ang warehouse na sinasabing pag-aari ni Mamasapano Vice Mayor Akmad Tato Ampatuan, sa Brgy. Manungkaling.

Si Akmad Tato Ampatuan, Sr. ay kabilang sa mga sangkot sa pagpatay sa 58 katao noong November 23, 2009 na tinaguriang “Maguindanao massacre.”

Ayon kay Col. Asto, kabilang sa mga narekober mula sa nabanggit na warehouse ay 22 rounds ng 81 mm mortar, 12 rounds ng 57 mm recoilless rifle, 2 rounds ng 90 mm recoilless rifle at 163 rounds ng cal. 50 light machine gun.

Sa naturang raid, naaresto rin ang isang Tommy Masukat na kabilang din sa mga suspek sa masaker.

Maalala na noong June 11, nahukay ng militar sa nabanggit ding bayan ang ilang matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng M16 rifles, machine guns, bipods at mahigit 200 bala ng mortar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply