Maternity leave sa dalagang ina sa gobyerno isinulong

ISINUSULONG ang maternity leave para sa mga kababaihang walang asawa o dalagang ina na empleyado ng gobyerno.

Pangunahing layunin ng panukala na inihain ng mga party-list congressmen na maituwid ang discrepancies o di patas na pagtrato ng gobyerno sa mga may-asawa o dalagang empleyado sa usapin ng maternity benefits.

Batay sa House Bill 4684 na inihain nina Reps. Emmi De Jesus (Gabriela), Luzviminda Ilagan (Gabriela), Teddy Casiño (Bayan Muna), Neri Colmenares (Bayan Muna), Rafael Mariano (Anakpawis), Carol Jayne Lopez (Yacap) Raymond Palatino (Kabataan) at Antonio Tinio (Act Teachers) ang pagbibigay ng universal maternity leave benefits sa lahat ng babae sa gobyerno.

“There is a need to correct the present legislation concerning the maternity leave benefits of unmarried government employees for being discriminatory and for violating the equal protection principle under Philippine laws,” ani de Jesus, vice Chair ng House Committee on Population and Family Relations.

Ang mga kondisyon para makakuha ng maternity leave benefits ang isang single na empleyada ay current government employment; pagbabayad ng tatlong buwang kontribusyon sa GSIS sa loob ng 12-month period bago ang panganganak, abortion o miscarriage; at notification ng empleyado sa employer ng pagbubuntis at tinatayang petsa ng panganganak.

Nakapaloob sa batas na ang babaing may-asawa na nagtatrabaho sa gobyerno kabilang ang mga government controlled corporations ay mabibiyayaan ng 60 araw na maternity leave, bukod sa vacation at sick leave.

Wala namang probisyon sa GSIS Law (Republic Act 821) na nagsasabing maaaring makakuha ng maternity leave benefits ang mga babaing walang asawa sa gobyerno.

“Yet, in the private sector, unmarried pregnant women enjoy maternity leave benefits,” pahayag ni Mariano.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply