Mavs tumabla sa Game 4

SINAMANTALA ng Dallas Mavericks ang kamalasan ni Miami Heat star player LeBron James upang itabla ang serye sa 2-2 matapos ang 86-83 panalo ng una sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association, (NBA) Finals, Miyerkules ng umaga.

Sa unang pagkakataon hindi umabot sa double figures ang iskor ni two-time MVP James sa 90 career playoffs games at sa game Game ng kanilang best-of seven serie laban sa Mavericks na nagtala lamang ng walong puntos, siyam na rebounds at pitong assists.

Nakaiwas ang Mavericks sa posibleng 3-1 serye bentahe sa Heat matapos habulin ang siyam na puntos may 10:12 minuto pa ang nalalabi sa huling canto.

Tumawag ng full timeout ang Mavericks at pagbalik nila sa hard court ay bumira ng apat na puntos si bench player Jason Terry upang tapyasan ang lamang ng Heat, 74-69 may 9:23 ang natitirang oras sa last quarter.

“We just played with incredible heart and passion,” wika ni Dallas center Tyson Chandler na nagsalpak ng 13 puntos, 16 boards at isang assist.

Naagaw ng Mavericks ang lamang nang isalpak ni Terry ang kanyang layup mula sa assist ni DeShanw Stevenson, 79-78 may 5:12 minuto para tumunog ang final buzzer.

Si Dirk Nomitzki ang umalagwa ng puntos para sa Mavericks na may 21 pts., 11 rebounds at isang assist.

“We all seen him go through walkthroughs,” dagdag pa ni Chandler. “Every time he started to talk he started coughing. He was wheezing.”

Sumegundo sa opensa ng Mavericks si Terry at Shawn Marion matapos itala ang 17 at 16 puntos ayon sa pagkakasunod.

Umarangkada sa puntos si Heat star player Dwyane Wade na may 32 pts., six rebounds at dalawang assists habang 24 points, anim na boards at isang assist ang ginawa ni Chris Bosh.

Mananatiling sa Dallas ang laban ng Game 5.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply