DOJ: Globe Asiatique dapat kasuhang muli

PINAYUHAN ng Department of Justice ang Pasig Prosecutor’s Office na sampahan ng kasong kriminal ang may-ari ng Globe Asiatique Realty Holdings Corp.dahil sa pag-double sale nito ng isang bahay sa lalawigan ng Rizal.

Sa limang-pahinang resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Leila de Lima ay ibinasura ang petisyon ng  may-ari ng kumpanyang si Delfin Lee na baliktarin ang desisyon ng kaso nito sa Pasay Regional Trial Court (RTC).

Sinabi ng DOJ na may matibay na ebidensya na magdidiin sa Globe Asiatique matapos itong magbenta ng isang ari-arian kay Mailene Coloma noong 2004 at kay Michael Pascual naman noong 2005.

Bukod dito, nahaharap din sa kasong syndicated estafa ang mga opisyal ng Globe Asiatique dahil sa maanomalyang pagbebenta ng ilang mga pag-aari sa Pampanga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply