May pagbabago ba pag si Casimiro ang Ombudsman?

SA wakas, sa 20 taon na panunungkulan mula nang maupo bilang acting Ombudsman itong si Orlando Casimiro, mahigit sa 3,000 kaso ang kanyang inaksyunan.

Sa pag-upo naman niya sa puwesto ay naghihintay naman ang taumbayan na aksyunan naman niya ang kaso ni LTO chief Virginia Torres  na inakusahan ng korapsiyon at  umano’y nasasangkot sa carnapping syndicates.

Sa 21 taong dedikasyon sa serbisyo sa gobyerno, malaki ang inaasahan natin sa tanggapan ng Ombudsman sa ilalim ng kanyang liderato.

Nagsimula sa pagiging imbestigador si Casimiro. Umasenso at naging overall Ombudsman at ngayo’y acting Ombudsman na siya. Pang-27 aspirante si Casimiro sa posisyon bilang pinakamataas na pinuno ng Ombudsman. Sa June 27, 2011 ay nakatakda na siyang kapanayamin ng Judicial  and Bar Council.

Pipili ng tatlong kuwalipikadong nominado ang JBC at magsusumite ng kanilang talaan kay Pang. Noynoy Aquino sa  July.

Ibang klase itong si Casimiro. Mantakin ninyo, sa loob ng mahabang panahon, sa panahon lang ni Casimiro makababawi ang gobyerno ng P55M na uneplained wealth ni dating AFP Comptroller Lt. Gen. Jacinto Ligot at ng pamilya nito makaraang ipag-utos ni Casimiro ang pagdaraos ng forfeiture proceedings laban sa una.

Kahit papaano ay alam natin ngayon na may isang tunay na namumuno sa tanggapan ng Ombudsman.
Taliwas ito sa plea bargaining agreement ni dating military comptroller Maj. Gen. Carlos Garcia na P135 lang ang naibalik sa P303M na umano’y kinulimbat nito.

Ilang araw bago maupo si Casimiro, iniutos niya ang pagsibak sa kanyang colleague na si Deputy Ombudsman Emilio Gonzalez bilang pangsang-ayon sa desisyon ng Malacañang.

Sinampahan din nito ng mga kasong kriminal ang mga dating governor ng Nueva Ecija,  Camarines Norte, etc.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply