May sakit sa pag-iisip, pinagparausan ng stepdad

NAGWAKAS ang kalbaryong sinapit ng 11-anyos na batang babae na may kapansanan sa pag-iisip sa paulit-ulit na panggagahasa ng kanyang stepfather nang magsumbong na ito sa pulisya sa Navotas City, Huwebes ng umaga.

Nakapiit na sa detention cell ng Navotas police at nahaharap sa kasong Statutory Rape ang suspek na si Danny Vigar, 40, ng R-10 Sitio Sto. Niño, Navotas City.

Ayon sa imbestigasyon ni P03 Arline Alvero, Officer-in-charge ng Womens and Children Concerned Desk (WCCD) Navotas police, dakong 8:00 ng umaga nang magtungo sa kanilang tanggapan ang biktimang si Juvy, 11, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa murang edad ni Juvy  at kapansanan nito ay nagawa niyang imuwestra ang ginagawa sa kanya ng suspek.

Sinabi pa ng biktima na tuwing wala ang kanyang ina sa bahay ay lagi siyang ginagahasa ng suspek.

Kasalukuyang  nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare Development (DSWD) Navotas ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply