Mayor at kapitan lihim na naglalabing-labing

TOTOO ba ang balitang mayroong relasyon ang isang Punong Lungsod at isang Kapitana na kanyang kaalyado at ipinanalo sa nakalipas na halalan?

Sa napag-alaman ng matang kuwago ng Remate, mahilig mag-date, este, magkita ang Mayor at Kapitana.

Halos gawin nga ang lahat ng paraan ni Punong-Lungsod para matiyak lamang ang pagkapanalo ni Kapitana kahit na mahina ito kontra sa talino at kakayahan sa pagsisilbi at paglilingkod sa kanilang mga mamamayang nasasakupan sa barangay.

Madalas din daw ang pagkikita ni Punong Lungsod at ni Kapitana sa tanggapan ni Mayor gayong isang tawag at text lamang kay Mayor ay natataranta pa ang Punong-Lungsod sa pagsagot.

Halos ibuhos din ni mayor ang campaign funds kay Kapitana noong tumakbo nitong nakalipas na barangay election.

At gayundin ang tiyaking makuha ang suporta ng Iglesia ni Cristo (INC) para lang manalo ang kanyang ka relasyon, este, special friend.

Sa sobrang lupit ng kakaibang suporta ni Punong-Lungsod kay Kapitana ay pinagkalooban at pinayagan itong makakuha ng 200 na pondo sa City hall para sa livelihood program nito ilang araw bago ang nakatakdang halalan na kung saan ay bawal na bawal na ang mag-release ng pondo sa mga kandidato dahil sa maaring magamit ito sa kampanya.

Si mayor ay hindi lamang na-link kay Kapitana dahil maging sa isang kilala at sikat na artista na iba iba na rin ang naging asawa ay nali-link sa kanya.

Mayaman kasi ang Lungsod ni Mayor at dahil sa lungsod na ito kung kaya’t dumami ang pera ng kanilang pamilya lalo na ang mga ari-arian nila at pagkakaroon ng dalawang palapag na unit sa isang Condominium sa Rockwell.

Hindi nakapagtatakang ma-link si Mayor dahil sa bukod sa pagiging guwapo, maputi na, bughaw pa ang kulay at isa nang biyudo.

Ang kanyang Kapitana ay isa ring talunang konsehal sa nakalipas na 2010 local election. At ang balita namin ay gagawin ang lahat ni mayor para maipanalong konsehal ang kanyang mahal, paborito, este, special friend na Kapitana sa 2013 local election.

Dahil nga rito ay naitsapuwera ang totoong kaibigan ni mayor na kagawad ng Kapitana at kabilang sa third sex.

Hindi biyuda si Kapitana kundi hiwalay sa asawa at mayroon na ring anak sa unang asawa at ang balita pa, huling nakarelasyon niya ang isa empleyado rin ng kanilang lungsod na nasa ibang bansa na ngayon at mayroon ding asawa at anak.

Wala palang magandang uri ng family background si Kapitana.
Ano kaya ang sinasabi ng kanyang kabarangay dahil hindi siya model family sa kanilang barangay?

Nakahihiya sa usapin ng moral ascendancy si Kapitana.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply