Mayor ng Eastern Samar sinuspinde

SINUSPINDE ng office of the Ombudsman ng anim na buwan si Taft Mayor Francisco Adalim ng Eastern Samar dahil sa kabiguang maibalik sa trabaho ang 23 empleyado sa munisipyo, iniulat ng naturang tanggapan Biyernes ng hapon.

Nabatid sa anim na pahinang kautusan na nilagdaan ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro, ang kaso ay naganap noong taong 2005 nang ilipat ni Adalim sa trabaho ang naturang mga empleyado makaraang lumiban sa trabaho nang walang paalam.

Umapela ang naturang mga empleyado sa Civil Service Commission (CSC) regional office na humihiling na ibalik sila ni Adalim sa kanilang dating puwesto at ibigay ang kanilang sahod mula sa araw na hindi sila pinasuweldo.

Inapela naman ito ni Adalim at pinagbigyan siya ng CSC pero Pebrero 24,2009 ay nagsampa ang naturang mga empleyado ng motion for reconsideration sa CSC at kinatigan naman sila ng ahensiya at nagpalabas ng resolusyon na ibalik sila sa dating trabaho at ibigay ang sahod at benepisyo epektibo Agosto 2005 hanggang sa ma-reinstate.

Gayunman, dinedma lamang ni Adalim ang utos ng CSC dahilan upang ang naturang mga empleyado ay magreklamo sa Ombudsman.

Sa kanyang panig, sinabi ni Casimiro na nararapat lamang na parusahan si Adalim dahil lumabag ito sa batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply