Mayweather sinupalpal ng US court

SINUPALPAL ni Federal Magistrate Judge Robert Johnston si Floyd Maywather Jr. matapos ibasura ang emergency motion na magpapaantala sana sa kanyang testimonya sa kasong isinampa ni Manny Pacquiao.

Sa halip, inatasan ng hukom si Mayweather na ilatag ang kanyang sinumpaang testimonya na magsisimula na ngayong araw na ito, June 18.

Ipinagharap si Mayweather ng kaso ni pound-for-pound champion at Congressman Pacquiao dahil sa mapanirang pahayag na nag-aakusa sa Pambansang Kamao na gumagamit ng performance-enhancing drugs.

Ang dalawang ikinukonsiderang best pound-for-pound fighters sa mundo ay ilang beses nang gumuho ang negosasyon para sa kanilang superfight.

Ayon kay Mayweather, kaya humiling siyang iburo muna ang hearing dahil kailangan niyang mag-concentrate sa nalalapit niyang laban kay Victor Ortiz na itinakda sa Sept. 17 ngayong taon.

Bukod pa rito, nahaharap din si Mayweather ng hiwalay na felony charges na nag-ugat sa domestic argument at misdemeanor harassment at battery charges na isinampa ng kanyang dating nobya at isang guwardiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply