MBC Manila Bay Run

PASASAKALYE na ang makatuturang takbuhang na naglalayong malinis ang napakaruming  Manila Bay sa Hulyo 13, 2011, na pakawawalan at magtatapos sa tapat ng Manila Broadcasting Company (MBC), Cultural Center of the Philippines Complex, Pasay City.

Salaping gantimpalang may kabuuang P296,000 ang ipagkakaloob sa mga mapapalad na mananalong mananakbo, sa four-in-one footrace, na tinawag na “MBC  Manila Bay Clean-up Run.”

Nakalaan sa 21-kilometrong distansiyang  mananakbo, na pagkakalooban ng P20,000, P10,000 at P5,000, ang top 3 finishers (lalaki at babae), samantalang may pampalubag-loob na tig-P3,000 ang pang-apat hanggang pang-sampung tatawid sa meta.

Sa tampok na 20-km, P10,000, P7,000, P4,000 ang maibubulsa ng unang tatlo, samantalang tig-P2,000 naman ang pang-apat hanggang pang-sampu sa distansiyang limang kilometro, mabibigyan ng P5,000, P4,000, P3,000 at P1,000 ang mananalo at sa tatlong-kilometrong habulan., P3,000, P2,000 at P1,000 naman ang pampalubag-loob, na may kasamang tropeo.

Pararangalan sa takbuhang itinataguyod ng Smart Communications, Naproxin Sodium, Lhuillier, Cobra Energy Drink at 100-Plus, ang Top 3 sa biggest delegation at ang unang tatlo sa Family Run. Para sa iba pang kaalaman, maaaring makipagtalastasan sa mga teleponong bilang 482-5143 at/o 0926-205-2787.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply