MCT officials binalasa ni Commissioner Alvarez

BINALASA ni Commissioner Angelito Alvarez ang Mindanao Container Terminal (MCT) bunsod ng sunod-sunod na isyu na ginagamit ang nabanggit na terminal sa Mindanao sa pagpupuslit ng mga mamamahaling sasakyan ng hindi nagbabayad ng buwis.

Pinalitan ang MCT district collector na si Lowell Madija ng isang abugado na kinilalang si Atty. Emilito Aquino bilang officer-in-charge, matapos boluntaryong mag-leave si Medjia ng 30 araw, bunsod ng imbestigasyon sa car smuggling.

Isa ring abugado ang pumalit kay Noah Dimaporo bilang MCT deputy collector for administration and port operations na nakilalang si Atty. Noe Espenilla Jr.

Itinalaga rin ni Alvarez si Hernando Mendoza Asst. chief of Assessment sa Port of Davao bilang acting chief ng Assessment Division ng MCT.

Ang iba pang tauhan na itinalaga ay sina Rene Buan mula pa sa Cagayan de Oro Port Collectors Office bilang acting chief ng cargo control at si Quinciano Pavadora Jr. bilang bagong acting deputy collector for assessment sa MCT.

Umaasa si Alvarez na sa pagbalasa sa Mindanao Container Terminal ay titino na ang sistema ng katiwalian sa lahat ng nasa ilalim ng Bureau of Customs Cagayan de Oro Port Collection District.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply