Mediaman isinusuka sa Media Relations Office

TOTOO ba itong nabalitaan ng matang kuwago ng Remate na isang  miyembro ng media ang sinusuka na ng isang grupo ng mga Media Relations OFFICER (MRO)?

Sa kuwentong nakarating sa atin, umaasta raw na akala mo ay boss, siga  at kanyang mga tau-tauhan o dapat maging sunud-sunuran at sambahin siya ng mga MRO to the point na kailangan niyang insultuhin at pagsalitaan ng hindi maganda ang mga ito.

Ang nakaiinis pa raw sa ugali ng media personality na ito ay mahilig mag-demand lalo na’t isang maliit na bagay na kumuha ng tubig at magtimpla ng kape ay kailangan pang iutos.

Feeling niya kasi,  habang siya ay isang reporter ay untouchable siya o hindi puwedeng salagin at dapat lahat ng kanyang inuutos at hinihiling ay gawin sa lalong madaling panahon.

At akala kasi ng mediaman na ito ay alam niya ang lahat ng bagay at sobrang taas ng kanyang tingin sa sarili gayong ang sirkulasyon ng  kanilang pahayagan ay bilang na bilang lamang.

Nakapagtataka nga dahil halos laging delayed at kung minsan ilang buwan silang hindi pinasasahod ng kanilang opisina.

Subalit nagagawang makapagbayad pa rin ito ng kanyang buwanang renta sa apartment, tubig, ilaw, cellphone, pagkain niya at pamasahe .

At take note, sa kabila nito, ang lifestyle ng reporter na ito ay sobrang maluho.

Mahilig daw itong gumimik at minsan pa nga niyang ipinagyabang na  ka-level lang niya ang pulitiko at siya lang ang puwedeng pagkatiwalaan nito.

Ang bansag pa nga ng sa kanya, para raw itong social climate na feeling social at mayaman na hindi naman dahil sa mahilig din pala ito sa libre at thank you at sponsor ng mga mga pulitikong kanyang kilala.

Pero hindi mo rin masisi kung bakit lumalaki ang ulo nito.

Kasi dati-rati raw ay halos linggo – linggo itong i-treat ng ilang MRO.

Kayo rin naman pala ang may kasalanan, chariiiiiiiiing.

Maging ang isang empleyadong nagtatrabaho sa kung saang beat  siya naroroon para kumuha ng story ay ganoon na lang niya kung insultuhin at pagsabihan.

Nakalimutan niyang dapat siyang makisuyo lamang nang maayos dahil hindi lamang siya ang nagpapasuweldo rito.

At ang hindi niya alam mas mataas ang tinapos naman ng taong ito kumpara sa kanya na kahit masteral degree ay hindi nakatapos.

Ang reporter ding ito ay mahilig magbida-bida at gustong maging bida gayong nakalimutan niyang dapat ay magpasalamat na lamang sa mga MRO, sa mga amo nito sa pag-aalaga sa mga reporter at gayundin kung maghanda ito ng mga party, kainan o get together.

Nakalimutan yata ng reporter na hindi obligado o obligasyon ng mga MRO at mga amo nito na gawing baby o i-treat ang sinomang reporter.

Subalit sakaling mangyari ang pag-treat, be thankfull enough.

Ibig sabihin kinikilala nila ang ating kahalagahan at iyon ay tanda rin ng pasasalamat sa atin.

Maganda na rin sigurong bumalik sa Kindergarten ni DepEd secretary Armin Luistro ang mediaman na ito para matuto ng good manners and right conduct.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply