Mediation sa kaso ng MV Princess of the Stars itinakda

IPINAG-UTOS ng Manila Regional Trial Court (MRTC) na isalang na sa mediation ang kasong sibil kaugnay sa paglubog ng MV Princess of the Stars upang mapag-usapan kung magkano ang halagang matatanggap ng mga kaanak ng 71 biktima ng trahedya.

Ito umano ang naging kautosan ni Manila RTC Brach 51 Judge Maria Amifaith Fider-Reyes sa isinagawang pagdinig ngayong araw, Hunyo 22.

Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta, ang nabanggit na mediation ay nakatakdang magsimula sa Agosto 12 kung saan hahatiin sa pitong grupo ang mga kaanak ng mga bikima na nagsampa ng kasong sibil.

May tatayong mediator sa pagitan ng Sulpicio Lines at mga complainant at dito pag-uusapan ang halagang matatanggap ng kaanak ng mga nasawi sa nasabing trahedya.

Nabatid na nagbigay ang korte ng dalawang buwan sa magkabilang kampo para sa mediation.

Sakali umanong hindi umusad ang kaso sa mediation ay isasalang naman ito sa judicial dispute review.

At kapag wala pa ring kahantungan ang kaso sa judicial dispute review ay itatakda na ang trial.

Bukod kay Acosta, dumalo rin sa pagdinig si Fr. Robert Reyes na sumusuporta sa paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng MV Princess of the Stars.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga kaanak ng mga nasawi kung saan pawang mga nakasuot ng itim na kamiseta na may nakasulat na mga katagang “Justice for the victims of MV Princess of the Stars.”

May mga bitbit din ang mga ito na mga larawan ng kanilang mga kaanak na kasama sa paglubog ng nasabing barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply