Memo ni de Jesus vs LTO chief ‘di natanggap ni PNoy

IKINAGULAT ng transport groups ang pahayag ng Malakanyang na hindi nila alam na may memo request pala si outgoing DOTC Sec. Ping de Jesus kay Pangulong Noynoy Aquino na humihiling na idisiplina si LTO Chief Virginia Torres.

Noong Mayo 22, 2011, nagpadala ng memo request si de Jesus kay Pangulong Aquino na nilagdaan ng Kalihim sa pamamagitan ni Exec Secretary Paquito Ochoa na humihiling sa Malakanyang na disiplinahin si Torres  dahil kailangan nang bayaran ang IT provider sa serbisyo nito.

Kasama sa memo ang request ni Asst. Secretary Raquel Desiderio na nagrerekomendang bayaran na ang IT provider na nagseserbisyo sa kasalukuyan para sa interes ng taumbayan bagay na hindi umano ginawa ni Torres bago magbakasyon.

Kinondena ng kalihim ang umano’y  hindi pagkilos ng Department of Justice, tanggapan ng Ombudsman at tanggapan ng Pangulo sa samut saring administrative at criminal  cases na naisampa kay Torres.

“Pakinggan mo kami  Pangulong Aquino, kalimutan mo muna ang kaibigan sa bagay na ito dahil  kami ang apektado,  ayaw talaga namin kay Torres kasama ng halos lahat ng transport groups dahil kami ang apektado at ang taumbayan, wala kaming magandang nakita sa ginawa sa amin ni Torres.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply