Meralco Bolts at Ginebra Gins Kings magkakasubukan

MAGKAKASUBUKAN Biyernes, Hunyo 24, Araw ng Maynila, ang mapublikong Barangay Ginebra at ang todo suportang Meralco Bolts sa pagpapatuloy ng laro sa PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum.

Maglalaro ang M-boys ni ocach Ryan Gregorio na hawak ang pinakamagandang 2-0 sa panimula ng komperensya. Tinalo nila ang Petron Blaze Booster, 105-100 sa buena mano nilang laro noong Araw ng Kalayaan na sinundan ng kapana-panabik, 81-78, panalo sa Alaska Milk Aces sa Road Game noong Hunyo 16, sa Tubod, Lanao Del Norte.

Ang Gin Kings ay nilasing ng dehadong Petron Blaze Boosters noong Hunyo 19 para sa kanilang pagkatalo katumbas ng isang panalo.

Malamang na tuluyan ng umuwi si Llamados import Stephon Hannah sa kabila ng 18-puntos niyang ibinuslo laban sa Alaska Milk Aces na pinatumba ang B-Meg Derby Ace, 107-102, para sa unang panalo ng Alaska (1-2) katulad ng pagbasag ng Powerade Tigers sa win column nang ngatain ang Air21 Express, 109-91 sa unang laro sa Big Dome.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply