Meralco Bolts numingning kay Oguchi

MULING nagsabog ng ningning ang nagbabalik-PBA Champ Oguchi, isang import, na nagrehistro ng 26 puntos.

Subalit si dating FEU Tamaraw cager na si Mark Isip ang nagpasiklab sa kaniyang 28 points na career-high sa pangalawang laro ng PBA Governor’s Cup na ginanap sa Cuneta Astrodome Linggo ng gabi sa Pasay City.

Pinaluha ng Meralco boys ni Coach Ryan Gregorio ang hinahabol ng malas na Petron Blaze Boosters na dating San Miguel Beermen na ginagabayan ni Coach Atu Agustin sa iskor na 105-100.

Nagtala rin ng double digits sina Renren Ritualo at Solomon Mercado sa kanilang 11 at 23 points, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nasungkit naman ng Barangay Ginebra ang panalo kontra Powerade Tigers, 92-80, sa kakaibang laro ng import na si Curtis Stinson na hinangaan ni Coach Joseph Uichico sa kanyang ball distribution at sa pagdi-direct ng traffic sa court.

Nakatipon din ang ex-NBA Developmental LEague Most Valuable Player ng 15 points, 9 rebounds, 8 assists, 2 steals at isang block sa paghahatid sa Gin Kings sa buena manong panalo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply