Metro Manila lumubog sa bagyong Falcon

DAHIL sa walang humpay na pagbuhos ng ulan, dala ng bagyong Falcon ay lumubog na sa baha ang ilang lugar sa Kamaynilaan, partikular ang Araneta Quezon Avenue, sa Quezon City Huwebes ng hapon.

Sa ulat, lumagpas na sa tulay ng Araneta ang tubig-baha kung saan hindi na madaanan ng mga sasakyan at tanging mga naglalakad na motorista na lamang ang makikita sa nasabing lansangan.

Ayon sa PAGASA, lumalabas na  ang bagyong Falcon ay may 30% dalang epekto sa bansa sa kabuuang naging perwisyong dulot ng bagyong Ondoy.

Bukod sa Araneta sa Quezon City, hindi na rin madaanan ang ilang bahagi ng Dimasalang at Espanya sa Maynila, Valenzuela at Malabon.

Nauna nang nilubog ng baha ang Albay, Camarines at Olongapo City.

Sa pinakahuling advisory ng PAGASA, hinigop na ng bagyo ang LPA na namataan sa gilid nito para magsanib-puwersa.

Dahil dito lalo pang lumakas ang bagyo kung saan huli itong namataan sa layong 420 kilometer sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Ito ay may taglay na lakas na hangin na 75 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 90 kph.

Tinatahak ng bagyo ang pangkalahatang direksyon patungong hilagang-kanluran sa bilis na 19 kph.

Itinaas na rin ng Pagasa ang Storm Signal No. 1 sa Aurora, Quezon, Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Isabela, Cagayan, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Batanes Group of Islands.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply