Metro Manila magiging maulan

MATAPOS ang napakainit na panahon, nakararanas naman ng ulan ngayon ang Metro Manila kahit walang  nagbabantang bagyo sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bunsod ng pag-ulan ang pagkulog at kalat-kalat na pag-ambon.

“Yung low pressure area (LPA)… napakaliit ng chance na maging bagyo… pero hindi rin natin ma-discount na maaaring maging bagyo ito,” ayon sa panayam kay Pagasa forecaster Elvie Enriquez sa isang panayam sa dzBB.

Samantala, nagdulot naman ng pagbaha sa ilang kalye ng Metro Manila ang naturang pag-ulan.

Kaugnay nito, makararanas ang Southern Luzon ng mas mauulap na papawirin na may kasamang pagkulog at kalat-kalat na pag-ulan.

“Ilang araw na ring umuulan sa lugar na nabanggit kaya pinapayuhan namin ang mga taga-Southern Luzon na baka maging sanhi ng pagbaha o pagguho ng lupa ang mga pag-ulan na nararanasan.”

Matatandaang noong nakaraang Linggo ay naitala ang pangalawa sa pinakamainit na temperatura ng panahon sa bansa nang pumalo ito sa 36.4 degrees Celsius.

Sa 5 a.m. bulletin ng Pagasa, namataan umano na nasa layong 40 km east ng Calapan, Oriental Mindoro ang low pressure area.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply