Metro Manila mayors dismayado sa Pagasa

DISMAYADO ang mga alkalde ng mga lungsod at bayan sa Metro Manila sa pagbibigay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng kailangan nilang impormasyon para maikasa nila ng mabuting pagresponde sa panahon ng bagyo.

Sa panayam kay Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, tinangka niyang hanapin ang Pagasa website nitong nakaraang linggo sa kasagsagan ng bagyong “Falcon,” ngunit wala siyang nakuhang impormasyon kung ilang bulto ng ulan ang ibabagsak nito.

Dahil dito, idinagdag pa ni Gatchalian na ang kakulangan ng impormasyon ang dahilan kaya nahirapan siyang magdekalra ng puwersahang paglilikas sa karamihan ng kanyang constituents.

Ito rin ang parehong hinaing nina Muntinlupa City Mayor Aldrin San Diego, Quezon City Mayor Herbert Bautista at ilan pang alkalde sa Metro Manila.

Gayunman, naniniwala naman si Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul na naibigay nila sa tamang oras ang impormasyon at maging ang mga sapat na updates hinggil sa naturang bagyo.

Idinagdag pa ni Yumul na titingnan nilang maigi kung paano nila maitataas ang antas ng information dissemination.

Iminungkahi rin ng Pagasa ang paglalagay ng rain gauges sa bawat munisipalidad, tulad sa Marikina, para matulungan ang local government units na ma-monitor ang dami ng ulan kahit walang bagyo o typhoon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply