Mga abusadong towing service sa Parañaque

GRABE raw mag-tow ang mga towing service sa Parañaque City.

Sobra ang pagiging  abusado ng mga ito, parang  hindi sila mga accredited ng Metropolitan Manila Development Authority.

Mantakin ninyo, naplatan lang ng gulong ang  sasakyan sa gitna ng kalsada ay kaagad na nilang hinahatak ang mga ito at saka dinadala sa kanilang impounding area.

Tama ba ang ginagawa ng towing services sa Parañaque, Mr. MMDA Chairman Francis Tolentino?

Halos nag-iiyakan na ang mga motorista sa nasabing lungsod sa ginagawa ng mga abusadong towing service.

Basahin ninyo ang reklamo ng mga motorista sa lungsod.

Sir Johnny, gud pm. Meron lang akong isusumbong sa inyo. Paki-imbestigahan lang ninyo yung mga abusadong  towing service dito sa amin sa Parañaque. Sobrang abusado, parang hindi sila accredited ng MMDA. Katunayan nga, noong isang a-raw ay may hinila silang  minicab na naplatan lamang.

Nakiusap na nga yung tao pero hinatak pa rin nila. UVF 447 ang plate number ng tower. Malapit sa SM Sucat ang impounding area nila. Sana mailathala ninyo ito!

TONG COLLECTION SA MPD-PS3, GRABE

Bilib naman ako rito kay MPD-PS3 Station Commander Supt. James Afalla. Napakatagal na niyang naging commander ng PS3 pero hanggang ngayon ay talamak pa rin ang kriminalidad sa nasasakupan niyang presinto.

Halos kaliwa’t kanan ang bookies ng karera, loteng,  jueteng, VK at nagkalat din ang mga beerhouse. May bold shows, mga pokpok sa Avenida at Recto, holdaper,  mga stall na gumagawa ng pekeng dokumento, pirated dvd at iba pang kailigalan na pinagkukunan ng presinto ng weekly “tongpats.”

Magtrabaho ka naman Supt. Afalla…(Itutuloy)

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo.

com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply