Mga bading binalaan sa pekeng pulis sa Kyusi

NAGBABALA ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) sa publiko lalo na sa mga bading laban sa mga lalaking nagpapanggap na miyembro ng pulisya na ang layunin ay nakawin ang kanilang mga gamit.

Ito ang naging pahayag ni Chief Superintendent George Regis, director ng Quezon City Police District (QCPD), matapos maaresto ang isang Ryan Torres Liang, 25, ng 40 Marulas St, Brgy. 140,  Caloocan City, bunga ng reklamo ng isang 19-anyos na bading na si Jenmar Tunga, ng Gen. Santos City.

Sa Imbestigasyon  ng Cubao Police Station 7, nangyari ang pag-aresto sa suspek sa loob ng Sogo Hotel sa Edsa malapit sa Aurora Blvd., ganap na alas 7 ng gabi.

Nauna rito, nabatid na nilapitan ng suspek ang biktima at nagpakilalang pulis sabay inaresto ang una dahil sa kasong prostitusyon.

Dito ay tinakot ng suspek ang biktima na ikukulong sa sandaling hindi pumayag na mag-check in sa isang hotel para doon pag-usapan ang kanyang problema.

Napapayag naman ang biktima at nag-check in sa SOGO hotel room 407 kung saan sinimulan ng suspek ang paglimas sa gamit ng una tulad ng Blackberry phone (P15,000.00) at cash na P1,740.

Nang makuha ang pakay ay saka pinalabas na ng suspek ang biktima sa naturang kuwarto.

Sa puntong ito, nagpasya ang  biktima na dumulog sa himpilan ng PS7 at agad na rumesponde sa lugar sa pangunguna ni PO3 Albert Lanuso at madakip ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang pera at gamit ng biktima, saka pang-taas na uniporme ng pulis na ginagamit ng una sa panloloko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply