Mga bagong testigo sa Vizconde case gigisahin bukas

SASALANG na sa pagtatanong ng Task Force Vizconde ang mga bagong testigo sa Vizconde Massacre case bukas, Hunyo 23.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nakatakdang magpulong muli ang Task Force Vizconde kung saan ay haharap ang mga bagong testigo ng kontrobersiyal na krimen.

Bagama’t nakapagbigay na umano ang mga testigo ng kani-kanilang mga salaysay sa National Bureau of Investigation (NBI), mas mainam umanong direkta na silang matanong ng mga miyembro ng task force para matiyak na malinaw ang nakukuhang impormasyon mula sa kanila.

Sa susunod na linggo o sa ika-30 ng Hunyo ay nakatakda nang mapaso ang prescriptive period para maisampa ang kaso sa korte tungkol sa Vizconde Massacre.

Una nang kinumpirma ng NBI na genuine o tunay ang passport ni Hubert Webb na ginamit niyang pangdepensa sa kaso, pero kailangan pa umanong beripikahin kung si Webb ang gumamit nito patungo ng Amerika.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply