Mga co-ed dorm, boarding house ipasasara

IPAPASARA ang mga dormitory at boarding house  kung hindi tatalima ang mga ito sa ipinatutupad na “no-mixed” policy ang mga may-ari o operator ng mga ito.

Ito ang babala ni Manila Mayor Alfredo Lim sa lahat ng may-ari o operator ng mga nasabing establisimyento na hindi tumutupad sa batas na nagbabawal na magkakasama ang mga lalaki at babae sa iisang inuupahang dormitory o boarding house.

Inatasan naman ni Lim si City Administrator Jay Marzan na i-check ang lahat ng dormitoryo sa Maynila na patuloy pa ring tumatanggap ng mga borader na babae at lalaki na magkasama.

“When it comes to this policy, there will be no second chances.  We will have them closed down once caught in violation of the prohibition,” ani Lim

Ayon kay Lim, ang nasabing kautusan ay layong magkaroon ng maayos na pag-aaral ang mga kabataan na walang sagabal, lalo na kung sa iisang bubong sila naninirahan kung saan madalas nauuwi sa maagang pakikipagrelasyon.

“May mga magulang na ipinangungutang ang pampa-aral sa kanilang mga anak, nagbebenta ng kalabaw, ng lupa para lang maipasok sa Maynila ang kanilang mga anak.  Eh kung ilalagay mo sa isang dormitory na halo ang babae sa lalaki, nandyan ang posibilidad na makipagligawan `yan at baka di makatapos ng pag-aaral,” paliwanag ng alkalde.

Sa unang araw ng klase ngayong Lunes ay iniulat ni Division of City Schools Superintendent Ponciano Menguito kay Lim na naging maayos ang takbo ng may 103 public elementary at high school sa lungsod, kahit tumaas pa ang bilang ng mga nagpa-enrol.

Libre o walang anumang babayaran ang mga magulang ng mga estudyante sa Maynila bukod pa sa school supplies at t-shirt na ibinigay ng Manila City government.

Naging maayos din ang muling pagbubukas ng mga libreng paaralan sa kolehiyo ng lungsod, na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), sa ilalim ng pamumuno ng presidente nitong si Atty. Rafaelito Garayblas, at City College of Manila (CCM), na pinamumunuan ni Atty. Sol Arboladura.

Dumalo si Lim sa unang flag-raising ceremony sa P. Gomez Elementary School sa Sta. Cruz, Maynila, kasama si Education Secretary Armin Luistro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply