Mga depositor ng Banco Filipino babayaran na

BABAYARAN na ang mga depositor ng nagsarang Banco Filipino Savings and Mortgage Bank (BFSMB) nang ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang “claims settlement operations” (CSO) nito.

Sa liham ni PDIC senior vice president Sandra Diaz kay Parañaque City Mayor Florencio Bernabe Jr., isasagawa ang CSO sa Hunyo 15-29, 2011 sa BFSMB-Alabang sa 384 East Service Road sa Muntinlupa City at simula sa Hulyo 25 hanggang Agosto 10, 2011 sa BFSMB-Parañaque sa Elsie Gatches cor. Elizalde Sts., BF Homes, sa Lungsod ng Parañaque.

Ang pagbabayad ng mga “claims for insured deposits” ay gaganapin mula alas-otso ng umaga hanggang ala-singko ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes sa mga petsang nabanggit.

Pinapayuhan ang mga depositor na dalhin ang Claims Status Sheet (CSS) na ibinigay sa kanila noong nagsumite sila ng claim kasama ang dalawa nilang “valid IDs,” na nakatala sa application.

Kung ang depositor ay  isang menor de edad, kailangan niyang iprisinta ang orihinal na kopya kasama ang isang malinaw na “photocopy” ng kanyang “birth certificate” na inisyu ng National Statistics Office o sertipikadong kopya nito kung nagmula sa local civil registrar.

Kung ang nagke-claim ay hindi mismo ang depositor, kinakailang magsumite ito ng isang awtentikado o notarisadong “Special Power of Attorney” ng may-ari ng “bank account.”

Alinsunod sa R.A. 3591 (PDIC Charter), ang deadline sa mga depositor ng BFSMB para sa pagsusumite ng claim ay sa Marso 18, 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply