Mga dormitoryo sa Maynila, ininspeksyon

ININSPEKSYON ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga dormitoryo at boarding house partikular na ang mga nasa Unibersity Belt upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante na maninirahan dito ngayong school year.

Inatasan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang City Administratort Office na inspeksyunin ang mga nabanggit na gusali para sa pagbubukas ng klase sa Lunes (Hunyo 6).

Unang tinungo ng grupo ni City Administrator Jay Marzan ang mga dormitoryo at boarding house sa kahabaan ng Recto at Espana Ave. sa Sampaloc at sa kahabaan ng Taft Ave. sa Maynila.

Ayon kay Engineer Ernesto Cuyugan, hepe ng Electrical Eng. ng Manila City, noon pang Enero ay nagsimula na sila sa pag-iinspeksyon at mas lalo pa nila itong paiigtingin ngayong malapit na ang pasukan para sa kaligtasan ng mga magrerenta sa mga ito.

Pangunahing tinignan ng grupo ang mga linya ng mga kuryente, fire exit, fire extinguisher, kalinisan ng gusali at mga papeles mula sa Manila City Hall.

Kaugnany na rin sa pagbubukas ng klase, naka-full alert na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) kung saan ay magpapakalat ng unipormado at sibilyang pulis sa University Belt.

Upang mas ganap na makapagbigay ng assstance sa mga estudyannte ay maglalagay din ng help desk ang pulisya.

Samantala, kaninang umaga ay bumisita sa MPD Headquarters si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Allan Purisima at nakipagpulong kay MPD District Director Roberto Ronggavilla hinggil sa pagpapaigting ng seguridad sa pasukan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply