Mga gusali obligadong lagyan ng sprinklers

INOOBLIGA ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga may-ari ng mga gusali na maglagay ng “sprinkler system” bilang isang bagong requirement ngayon sa ilalim ng Comprehensive Fire Code of the Philippines o Republic Act  9514.

Sa ulat kay Interior Secretary Jesse Robredo,  sinabi ni BFP chief Rolando Bandilla Jr. na ang dalawang-taong moratorium ay sapat na panahon para mabigyan ng pagkakataon ang mga establisimiyento na maaapektuhan  ng Fire Code requirement sa pamamagitan ng paglalagay ng automatic fire suppression system (AFSS) o sprinkler system, alinsunod sa isinasaad ng batas .

Batay sa nilalaman ng Section 14.0.07 ng IRR of RA 9514 na inamiyendahan, “The owner, administrator or occupant of buildings or structures existing at the time of the effectivity of RA 9514 and its IRR is given two (2) years to comply with the provisions on the requirements for installation of the AFSS, provided, however, that the buildings or structures must be compliant to the provisions of fire safety and requirements of PD 1185 (the old Fire Code) during the period of compliance.”

Ayon kay Bandilla, mahalaga ang inamiyemdahang batas dahil marami sa mga gusali na apektado ng code provision ang nahihirapang makasunod sa naturang requirement.

Dagdag pa ni Bandilla, napatunayang malaki ang naitutulong ng automatic fire facilities gaya ng AFSS upang matiyak na ligtas sa sunog ang isang establisimiyento at gusali upang maiwasan magbuwis ng buhay at pinsala dulot ng sunog.

Sakop ng nasabing two-year moratorium ang mga sumusunod na gusali o istraktura na itinayo sa panahon na epektibong pagpapatupad ng IRR of RA 9514 noong Nobyembre 18, 2009 at alinsunod sa mga provisions ng PD 1185.

Ang mga gusali na dati’y hindi obligadong magkaroon ng AFSS ay kinakailangan na ngayong magpakabit ng AFSS sa ilalim ng bagong batas at mga bagong gusaling itinayo. 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply