Mga iladong bangus nakumpiska sa Pasay

KINUMPISKA ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office umaga ng Huwebes ang isang banyera ng iladong bangus na hinihinalang ipinuslit sa Pasay City Public Market mula sa Batangas, kung saan nagkaroon ng fishkill .

Ang raid ay kaugnay ng kampanya ng naturang ahensya hinggil sa naglipanang isda na ipinupuslit bagama’t may panganib ang mga ito sa kalusugan ng tao.

Surpresang nag-inspeksyon ang mga tauhan ng Veterenary Office dakong 8:30 ng umaga ng Huwebes sa naturang public market at nakuha ang mga isda sa Libertad St.

Sinuri rin ang iba pang isda sa nasabing lugar upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili ng mga ito.

Ayon kay Dr. Ronald Vernasor ng nasabing opisina, ang kanilang hakbang ay bilang pagsusumikap ng pamahalaang lungsod na tiyaking ligtas ang mga isda upang kainin ng mga tao, lalo na ngayong may nagaganap na fishkill sa Batangas at Pangasinan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply