Mga iskul sa Malabon, Valenzuela suspendido

SINUSPINDE ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Malabon at Valenzuela ang maraming eskuwelahan sa kanilang lugar.

Umabot ng 12 pampublikong paaralan ang suspendido ang klase sa lungsod pa lamang ng Valenzuela City. Anim na public schools naman ng Malabon City ang suspendido ngayong araw.

Kabilang sa mga eskuwelahan na suspendido sa Valenzuela City ay ang mga sumusunod: Coloong Elementary School, Tagalag Elementary School, Isla Elementary School, A. Deato Elementary School, Wawang Pulo Elementary School, PR San Diego Elementary School, A. Fernando Elementary School, Pasolo Elementary School, Pio Valenzuela Elementary School, Pulo National High School, Arkong Bato High School at Dalandanan High School.

Sa Malabon City naman ay ang mga sumusunod: Dampalit Elementary School Main, Dampalit Elementary School Unit 1, Panghulo Elementary School Unit 1, Panghulo National High School, Tonsuya Elementary School at Muzon Elementary School.

Lubog sa tubig baha ang mga naturang paaralan.

Samantala, nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang Deped Region III dahil din sa walang tigil na pag-uulan na nagdulot ng baha.

Lahat ng paaralang elementarya at high school ng Angeles City ay suspendido rin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply