Mga isyu ni Pepe

KUNG buhay si Rizal ano kaya ang papel nya sa bansa at ano kaya mga reaksyon nya sa mga isyu ngayon. Ayon sa isang nalathalang sulat ni Rizal, nagkwento sya tungkol sa isang binyagan sa Europa na kanyang dinaluhan. Ang bininyagan ay isang batang Pilipino na ipinanganak sa Europa.

Ang sabi daw ni Rizal tungkol sa bata ay karagdagan ito sa Europa at kabawasan sa Pilipinas – one more European, one less Filipino. Siguro para sa Pepe, kawalan sa Pilipinas ang mga Pilipino na sa ibang bansa ipinapanganak o na ang mga anak ng mga Pilipino na ipinanganak sa ibang bansa ay mahirap nang maging tunay na Pilipino.
Hindi ba ganito pa rin ang isyu ngayon? Sa pag-aaral ni Jose Rizal sa Europa, madalas siya sumusulat sa kanyang pamilya, lalo sa kanyang ina.

Ayon sa mga historians, ang ilan sa mga sulat na ito ay pagkukwento ni Rizal ng kanyang buhay estudyante tulad tungkol sa kung paano madalas maubusan sya ng panggastos. Sa sulat ni Rizal ay naka-detalye ang mahal na gastusin ng renta, ng pagkain nya at pambili ng libro.

May mga sulat pa na parang nagsusumamo ang bayani na sana ay padalhan na siya kaagad ng pera ng kanyang mga magulang dahil marami na syang utang at halos wala na syang pera para sa pang araw-araw na pagkain.

Marami sa ating mga estudyante sa kasalukuyan ang may parehong alalahanin at marami pa rin sa magulang ngayon ang hirap magpadala ng panggastos sa mga anak na nag-aaral sa malalayong lugar.

Noong mamatay si Rizal naghain daw ng reklamong ligal ang kanyang sinasabing asawa na si Josephine Bracken dahil may pag-aari si Rizal na dapat napunta dito. Ayon daw sa reklamo ni Bracken ay may mamahaling koleksyon ng aklat si Rizal na dapat napunta kay Josephine pero tila ipinagkait daw ito sa kanya ng pamilya ni Pepe.
Paano kaya magre-react si Dr. Jose Rizal sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan na kanyang pinagbuwisan ng buhay.

Mag-text po kayo sa akin tungkol sa usaping ito. O kaya ay sulatan nyo ako sa 2nd Flsoor, Council building, Quezon City Hall o email sa: ariel.inton@gmail.com. Pwede rin ang texts sa mga numerong: globe – 09272630741 o smart – 09215186724.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply