Mga kandidato sa pagka-Ombudsman ginisa sa JBC

ISINALANG ngayon, Miyerkules, sa Judicial and Bar Council (JBC) ang iba pang mga kandidato sa pagka-Ombudsman na nakabante kasunod ng pagbibitiw ni Merceditas Gutierrez.

Sa kabuuan ay may 27 kandidato para sa nasabing posisyon at kahapon ay limang nominado ang unang sumalang sa interview ng walong miyembro ng JBC, kabilang dito sina Retired Regional Trial Court Judge Alfredo Agawa; Muntinlupa Presiding Judge Philip Aguinaldo; dating deputy Ombudsman for Visayas Pelagio Apostol; Justice Undersecretary Leah Armamento at Atty. Procopio Beltran Jr.

Sa mga susunod na araw ay susunod na isasalang ang iba pang aplikante kabilang dito ang sinasabing top pick sa posisyon na si SC retired Associate Justice Conchita Carpio-Morales.

Ang JBC ang siyang nagsasagawa ng screening sa mga aplikante para sa posisyon sa judiciary kasama ang Ombudsman at pagkatapos ay magsusumite ito ng shortlist sa Malakanyang na siyang pagbabasehan ni Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang papalit kay Gutierrez.

Si Gutirrez ay nagbitiw noong Mayo 6 at base sa Saligang Batas ay mayroon 90 araw ang Pangulo na mag-appoint kung kaya’t hanggang Agosto 4 ay may sapat na panahon si Pangulong Aquino na maghirang ng bagong Ombudsman.

Samantala, una nang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na miyembro din ng JBC na inaasahang nilang sa unang linggo ng buwan ng Hulyo ay maisusumite na ng councilang ang shortlist sa Malakanyang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply