Congressmen umuwing walang pork barrel

UMUWING luhaan ang maraming kongresista sa kani-kanilang distrito dahil sa kawalan ng pasalubong na pork barrel sa kanilang nasasakupan.

Labis na ikinadismaya ni Davao Rep. Karlo Nograles ang pagbinbin sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas na aniya’y may kinilingan dahil may ilan namang nabiyayaan na ng pork barrel bago nagsiuwi nang mag-adjourn ang Kongreso noong Huwebes.

“This is the first time congress adjourned sine die with congressmen and congresswomen coming home to their respective districts with nothing .  What’s happening?” tanong ni Nograles.

Ibinunyag pa ni Nograles na sa kabila ng pagtanggi ng Malakanyang na walang favoritism ay meron pa rin aniyang mga kongresista na nabigyan o naisyuhan ng SARO at NCA (Notice of Cash Allocation).

Dahil dito, nagbanta si Nograles na ang kawalan ng inisyung pork barrel sa maraming mambabatas ay maaaring sumira sa tradisyon ukol sa kooperasyon ng Kamara de Representantes sa Malakanyang sa paglalatag ng alokasyon o national budget para sa 2012.

Ang higit aniyang apektado sa mga ganitong favoritism ay ang constituents dahil hindi naman nila nakikita ang mga binayarang buwis dahil na rin sa kawalan ng proyekto ng isang kongresista.

“Experts say our economy is shrinking because of underspending. That is true. Without government spending through programs identified by the congressmen, there will be less economic activity in the countryside that will help circulate money in the provinces.”

Kinalampag pa ni Nograles ang Kongreso na ikunsidera ang panggigipit na ito ng gobyerno sa darating na deliberasyon ng 2012 budget na nakatakdang i-presenta ni Pangulong Aquino sa Kongreso matapos ang kanyang State of the Nation Address(SONA) sa July.

“ If the government wants to spend less and save more, then we might as well reduce the national budget for next year,”  ani Nograles.

Nauna rito ay inalmahan na ng minorya at iba pang miyembro ng mayorya ang kawalan pa ng pork barrel bago nag-adjourn ang Kongreso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply