Mga pastor sa gay union makakasuhan

POSIBLENG matanggalan ng lisensiya o makukulong ang mga pastor na nagkasal ng magkaparehong kasarian sa Baguio City noong nakaraang linggo.

Matatandaan na noong Hunyo 25, tatlong pastor mula sa Metropolitan Community Church of Metro Baguio ang nagkasal sa walong pares na bakla sa Baguio City.

Sinabi ni dating Manila Bishop Teodoro Bacani Jr., paglabag aniya sa ilalim ng  Family Code of the Philippines ang pagkakasal sa magkaparehong kasarian gaya ng bakla at tomboy dahil malinaw na nakasaad sa batas na babae at lalaki lamang ang maaaring ikasal.

Ani Bacani, malinaw aniya ang basehan na sino man ang nagkasal sa iligal na kasalan ay maaaring kasuhan sa korte alinsunod sa ilalim ng 1987 Constitution.

Kahit aniya sa Bibliya ay nakasaad na isang sagrado ang pagsasama at pagkakasal ng isang babae at lalaki.

Habang Sa kaso naman ng mga pastor na nangasiwa sa iligal na kasalan ay maaaring matanggalan ng lisensiya para  magkasal muli.

Kaugnay nito, binigyan ng kapangyarihan ng National Statistics Office (NSO) ang mga pari o ministro ng mga simbahan na magkasal.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply