Mga pulis di exempted sa ‘smoking ban’

NILINAW ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi exempted ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa umiiral na ordinansa ng ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagbabawal magsigarilyo sa pampublkong lugar.

Ito ay ipatutupad simula bukas, Hulyo 1.

Ayon kay NCRPO chief Supt. Allan Purisima, sakaling lumabag ang isang pulis sa nasabing batas ay maaari itong hulihin.

Mas mainam unong makuhanan ng litrato ang nagsisigarilyong pulis upang magamit itong ebidensya.

Aniya, hindi awtorisado ang mga kapulisan na manghuli ng mga taong lumalabag sa ordinansa maliban na lang kung sila ay mabibigyan ng deputization  mula sa MMDA na nagbibigay pahintulot na maaari silang manghuli.

Samantala, pinayuhan din ang publiko na sakali mang mahuli dahil sa naturang paglabag, maaari lang magbayad sa opisina na awtorisado at hindi sa sinumang pulis o MMDA personnel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply