Mga taksing walang calibrated meter binalaan ng DOTC

BINALAAN ngayon ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Cordillera ang mga nagbabalak manamantala sa naaprubahang flagdown rate ng taxi sa lungsod.

Inihayag ni regional director Celina Claver sa mga tsuper at opereytor ng taksi sa lungsod na maaari silang multahan ng P2,500 kung pangungunahan nila ang pagpapataw ng mas mataas na flagdown rate ng walang kaukulang meter calibration.

Ayon kay Claver, P35 ang naaprubahan para sa lungsod at P2.00 patak ng metro sa susunod na 200 na metro.

Ayon kay Claver may nakarating na report sa kanyang tanggapan na may mga tsuper na nagpapadagdag na ng P10 matapos malamang naaprubahan na ang bagong flagdown rate.

Nilinaw ni Claver na kailangan munang sumailalim sa kaukulang calibration ang mga metro ng taxi sa lungsod.

Ang calibration ay isasagawa sa unang linggo ng Hulyo kasunod ng 15 araw na procedural publication sa pahayagan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply