Michael Ray Aquino nasa Pinas na

NASA Maynila na si S/Supt. Micahel Ray Aquino kasama ang dalawang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na sumundo sa kanya mula sa Estados UNidos.

Dakong 6:47 ng umaga kanina nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang PR 103 ng Philippine Airlines (PAL) na kinalululanan ni Aquino.

Siniguro naman ng NBI  ang kaligtasan ni Aquino sa kabila ng mga banta sa kanyang buhay sa pagbabalik Pinas.

Ayon kay NBI Dir. Magtanggol Gatdula,  si Aquino ay hindi malayong pagbalakan ng masama dahil dati itong opisyal ng PNP at marami nang naipakulong na mga kriminal.

Sa pagbabalik sa Pilipinas  ni Aquino ay inaasahang matatapos na rin ang double murder case na kanasangkutan nito kung saan siya ang itinuturong susi upang matapos na ang kaso.

Pansamantalang ikukulong si Aquino sa dating kulungan ni dating Datu Unsay, Maguindanao Mayor Andal Ampatuan Jr.

May sampung taon ding nanatili si Aquino sa Amerika kung saan sa kanyang pag-alis doon ay naging emosyonal ito sa kanyang pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply