Michael Ray Aquino pabalik na ng Pinas

ALL set na ang nailatag na seguridad ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagdating ng bansa ni dating Sr./Supt. Michael Ray Aquino mula sa Estados Unidos.

Ngayong araw na ang alis ni Aquino sa US kasama ang dalawang opisyal ng ahensya na sumundo sa kanya.

Naging malungkot ang paghihiwalay ni Aquino at kanyang pamilya sa Amerika ngunit masaya na rin umano sa kanyang pagbabalik Pilipinas.

Umaasa naman ito na matatapos na ang Dacer-Corbito double murder case na kinasangkutan nito.

Nauna nang inihayag ni NBI Director Magtanggol Gatdula, nagtalaga siya ng 50 NBI agents para magbigay ng seguridad kay Aquino sa sandaling lumapag na ang sinasakyan nitong eroplano sa NAIA.

Lalapag sa paliparan si Aquino lulan ng Philippine Airlines Flight PR 103 galing Los Angeles, California dakong alas-4:00 ng madaling araw sa Linggo, Hunyo 26.

Nabatid na ang mga NBI agents ay nakasuot ng bullet proof vest at gagamit ng 12 sasakyan.

Si Aquino ay pansamantalang ikukulong sa NBI detention cell na pinagkulungan din kay dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply