Michael Ray Aquino susunduin na sa US

AGAD na makikipag-ugnayan sa mga awtoridad pagdating sa Estados Unidos ang ipinadalang dalawang tauhan ng National Bureau Of Investigation (NBI) para sunduin si dating Senior Supt. Michael Ray Aquino.

Ayon kay Atty. Claro de Castro Jr., chief ng NBI Foreign Liaison Division na dating Interpol Division, wala silang sasayanging oras at agad silang makikipag-uganayan sa embahada ng Pilipinas sa Los Angeles para sa pag-turnover kay Aquino.

Kasama ni De Castro si Agent Jesus Manapat na umalis kagabi, Hunyo 20, sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-102.

Ang pagpapabalik kayAquino, umano’y susi upang malutas ang Dacer-Corbito double murder case, sa Pilipinas mula sa Estados Unidos ay una nang inaprubahan ng US Court of Appeals.

Base sa unang kalatas na ipinadala ng Amerika sa bansa, hanggang Hulyo 3 lang ang panahon na ibinibigay para sunduin si Aquino mula sa New Jersey, kung saan siya nakakulong.

Kaugnay nito, inihayag ng pamilya Dacer na maituturing umanong malaking development ang desisyon ng US Department of Justice na pauwiin sa lalong madaling panahon si Aquino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply