Mike Brown bagong Lakers coach

PORMAL nang ipinakilala ng Los Angeles Lakers ang bago nilang coach na si Mike Brown, dating coach ng Cleveland Cavaliers.

May natuwa, may napataas kilay sa pagpili ng Lakers management kay Brown na siyang papalit sa nagretiro nang NBA all time most succesfull coach na si Phil Jackson.

Sampung minuto matapos na pumirma ng kontrata, iniharap sa media si Brown.
Si Brown ay ang coach ng Cavaliers sa limang season ngunit pinatalsik nang mabigo na makakuha ng championhip noong 2009-2010 season ang Cavaliers kahit pa ito ang may pinakamgandang record.

Ayon kay Brown, hindi niya alam kung gaano kalaki ang iniwang tatak ni Jackson ngunit hindi raw siya pumirma sa Lakers para pantayan ito.

“I’m not sure what size shoe he wears, but I’m not here to fill them,” ani Brown nang matanong tungkol kay Jackson. “I’ll define the culture, I’ll define the roles.”

Samantala, kasabay ng pagpasok sa Lakers, nilinaw ng 2009-2009 Coach of the Year na kay superstar Kobe Bryant pa rin ang team.

Maganda naman raw ang una nilang pagharap ni Bryant.

Napag-alaman na naging tapat ang mga player ng Lakers na gusto sana nilang ang assistant coach na si Brian Shaw ang papalit kay Jackson.

Ayon naman kay Brown, nirerespeto niya ang opinyon ng iba at ang panalo aniya ng Lakers sa ilalim niya ang magbubura sa lahat na reaksyon nang inanunsyo na siya ang magiging bagong coach ng dating NBA champion.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply