Militar, pulis bawal maging kalihim, GOCC officers

MALAPIT nang ipagbawal ang pagtatalaga sa kahit anong posisyon sa gobyerno ng mga retirado at aktibong opisyal ng militar at pulis, napag-alaman ng Remate ngayon, Lunes.

Ayon sa report, ipagbabawal ang pagtatalaga sa mga nabanggit sa mga sensitibong posisyon sa gobyerno sa ilalim ng panukalang batas na isinumite sa Kamara de Representantes.

Ayon kina Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus, pawang may akda ng House Bill 4566, nagsimula ang militarisasyon sa burukrasya ng Pilipinas nang iposisyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang mga militar sa posisyong dapat sana ay sa mga sibilyan.

Ani Ilagan, ipinagpatuloy ito ng mga sumunod na administrasyon upang masiguro ang katapatan ng militar sa kani-kanilang rehimen.

Sa nasabing bill, ipagbabawal sa lahat ng retirado at aktibong miyembro ng militar at pulis, opisyal man o karaniwang ranggo, na ma-appoint bilang kalihim,uUndersecretary, pinuno o miyembro ng mga government-owned-and-controlled (GOCC) corporation.

Sa nasabing batas, bawal na ang lahat ng militar at pulis na ma-appoint sa kaparehong posisyon sa mga GOCC, kahit pa wala na sila sa serbisyo o retirado na.

Gayunman, hindi bawal sa kanilang tumakbo sa eleksyon o maupo sa pinanalunan nilang posisyon kahit pa napatalsik sila sa serbisyo, retirado o nanunungkulan pa rin.

Ani Ilagan, batay sa report ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), may 20 militar ang nakatalaga ngayon sa Department of National Defense (DND).

Aniya, may 26 na retirado at aktibong military officers naman na nakatalaga sa  Department of Transportation and Communications (DOTC) mula pa nang maalis si Marcos sa posisyon noong 1986.

Idinagdag pa niyang 37 military officers ang ini-appoint sa mga GOCC at mga special economic zones sa ilalim ng pamamahala nina dating Pres. Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Batay rin sa nasabing report, sinabi ni De Jesus na nagtalaga na rin si Pres. Benigno “Noynoy” Aquino III ng pitong datihan at aktibong militar o pulis sa iba’t ibang puwesto at ahensya sa gobyerno.

Ani de Jesus, sinanay ang militar sa disiplinang panggiyera at nadadala nila ito sa kanilang trabaho sa gobyerno na hindi sanay ang sibilyan.

Bukod dito, bawal umano ito batay sa probisyon ng 1987 Philippine Constitution na ang civilian authority ang dapat na mamayani at hindi ang militar.

Ani De Jesus, malatagal naging parang militar ang kapulisan dahil karamihan sa mga opisyal nito ay nanggaling sa Philippine Military Academy (PMA).

Kahit umano sila ay sanay na ring makipaggiyera kaya ang kultura nila ay hindi na naiiba sa militar.

Kasalukuyang nahaharap sa malaking problema ang Armed Forces of the Philippines (AFP), dahil sa napakaraming kaso ng graft and corruption ng matataas na opisyal.

Dahil dito, hindi na masasabing malinis ang kanilang reputasyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply