Military brain ng Al-Queda patay sa airstrike

KINUMPIRMA ng mga kagrupo ni Ilyas Kashmiri na napatay nga ang kanilang lider sa isinagawang airstrike ng Estados Unidos sa Waziristan sa Pakistan.

Si Kashmiri ay itininuturing na “military brain” ng grupong al-queda.

Ayon sa spokesman ng Harakat-ul-Jihad-Islami na si Abu Hanzla Kashar, kabilang sa mga nasawi ang mga alalay ni Kashmiri at nangakong maghihigante ito sa U.S.

“The oppressor U.S. is our only target and, God willing, we will take revenge on the U.S. soon with full force,” ani Kashar.

Umabot nang siyam ang napatay sa airstrike na isinagawa ng Amerika ayon sa isang Pakistani military official.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply