Military hardware ng Ampatuans nahukay

HINIHINALANG pag-aari ng pamilya Ampatuan ang bulto ng mga armas at mga piyesa na nahukay ng mga tauhan ng Philippine Army sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao, ayon sa ulat ng military Linggo ng hapon.

Ayon kay AFP  6th Infantry Division Public Information Officer Army  Col. Prudencio Asto, isang ammo dump na kinalalagyan ng matataas na uri ng armas at spare parts ang nadiskubre sa Barangay Manungkaling, Mamasapano, nabangit na lalawigan.

Sa impormasyong ipinarating ni Asto sa mga kasapi ng Defense Press Corps, ang mga armas ay kinabibilangan ng apat na M16 armalite rifles, anim na barrel ng caliber 50 machine gun, dalawang 30 caliber machine gun, dalawang barrel ng 7.62 ng caliber 60 machine gun, dalawang bipod 81 mm mortar, isang barrel guard ng 30 caliber machine gun at iba’t ibang uri ng bala.

Nabatid na ang naturang mga armas ay nahukay ng mga elemento ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Team at mga tauhan ng 1st Mechanized Light Armor Brigade ng Philippine Army.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng 6th ID Philippine Army hinggil sa mga armas na hinihinalang  ginamit sa nangyaring Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 na kumitil ng 57 katao kabilang ang 32 miyembro ng media.

Mismong si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu ay nagpahayag na sa pamilya Ampatuan ang mga nahukay na military hardware.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply