MIM balik lansangan na

BALIK lansangan na ang pamosong Manila International Marathon (MIM) sa Hunyo 26, 2011 sa Rajah Sulayman sa tapat ng simbahan ng Malate, Roxas Boulevard lungsod ng Maynila.

Tampok sa kaganapang ito ang 42.195 kilometrong hagaran sa lansangan ng mga side event na 10, 5 at 3 kilometrong distansiya na nakalatag sa kahabaan ng Roxas Boulevard na nasasakupan ng mga siyudad ng Maynila, Pasay at Parañaque.

Unang pinakawalan noong 1982 ang full marathon na ito na napagwagihan ng Olympics gold medalist na si Vladimir Cierspinski sa itinalang tiyempong 2 oras, 14 minuto at 25 segundo. Inangkin naman ng batang Pinay  na si Joan Laput ang korona sa kategorya ng kababaihan.

Ang registration fee ng marathon ay itinakda sa P800, P600 sa 10K, P500 sa 5K at P400 sa 3K na ruta.

Para sa iba pang kaalaman para makalahok, mangyaring makipag-ugnayan sa mobile #0927-6687-558 o sa numerong 02-8067814.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply