Minero nasalaksak ng bakal, tigbak

DEAD-ON-ARRIVAL ang isang minero matapos mahulog at aksidenteng masalasak ng matulis na bakal sa Acupan Mines, Itogon, Benguet iniulat ng pulisya.

Ayon sa report ng Itogon PNP, hindi na umabot pa ng buhay sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGH-MC) ang biktimang si Salvador David Lucas, 53, private miner at tubong Tadian, Mountain province.

Sa imbestigasyon binubuksan ni Lucas ang makina ng ball mill o gilingan ng gold ore nang mawalan ng panimbang at mahulog mula sa kinakatatayuan na may lalim na limang talampakan at minalas na natusok ang katawan ng biktima sa nakatayong steel bar.

Napag-alaman na ang nasabing ball mill ay pagmamay-ari ng isang Bert Buneg sa Sitio Abucayan, Acupan, Itogon, Benguet.

Noong nakaraang buwan lamang isa ring minero ang namatay sa nasabing lugar matapos ma-gas poison sa loob ng tunnel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply