Minors bawal na sa lahat ng uri ng alak

ITO ang nakapalaoob sa House Bill 4589 na inihain ni Caloocan City Rep. Mary Mitzi Cajayon kung saan may katapat na kaparusahan.

Ipinaliwanag ng kongresista na bukod sa alak ang nagiging dahilan ng kinasasangkutang krimen ng mga kabataan ay lumabas din sa pag-aaral ng World Health Organizationn (WHO) na dalawa sa 10 Pilipino na may edad 15 hanggang 18 ay hindi kuntento sa pag-inom ng dalawang bote ng alak.

Ani Dr. Inavhoe Escartin, chief ng Health Program Division ng Department of Health (DOH), karamihan sa mga Pinoy ay laklakero na kung minsan ay nawawala sa sarili at nakagagawa ng domestic violence tulad ng rape at physical abuse.

Itinatadhana ng naturang panukala na mas kilala bilang “Anti-Underage Drinking Act of 2011” ng tatlong buwan na pagkakakulong at multa na hindi bababa sa P10,000  para sa mga lalabag, samantalang ang mga menor de edad na lalabag ay ipapatupad ang nakasaad sa Presidential Decree 603 o mas kilala bilang Child and Youth Welfare Code .

Bukod dito, ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga menor de edad sa beer houses, videoke bars, night clubs at anumang establisyemento na nag-aalok ng katulad na serbisyo anumang oras at araw kahit na kasama nila ang kanilang mga magulang, guardians at mga kamag-anak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply