Miriam hinangaan ni Imelda Marcos

LABIS na hinangaan ni dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte representative Imelda Marcos kung paano nagawa ni Sen. Miriam Santiago na pagsama-samahin sa iisang lugar ang mga magkakalaban sa pulitika at iba pang kilalang personalidad sa 40th wedding anniversary ng senador at asawa nitong si dating DILG Undersecretary Narciso Santiago.

“Well as you can see from the guestlist…everybody is there…respective of parties…good job concept on staying together,” ayon kay Marcos.

Ikinatuwa din ni Sen. Santiago ang pagdalo ng mga pulitiko, negosyante at iba pang VIP’s sa kaniyang ‘renewal of vows’ na noo’y walang pagsidlan ng kaligayahan.

“They are accomplished men and women. You cannot succeed without the sense of discipline. Despite of the bad weather, they have come because they are committed,” mabilis na tugon ng senador bago magsimula ang seremonya sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila kamakalawa.

“I feel very sexy,” tugon ni Santiago nang tanungin ng media kung ano ang nararamdaman niya noong mga sandaling iyon kasabay ng isang matunod na halakhak suot ang bonggang red gown na gawa ng designer na si Inno Sotto.

Kabilang sa VIP’s na nasa principal sponsors gaya nina dating Pangulong Gloria Arroyo, Joseph Estrada, ngayo’y VP Jejomar Binay, Cong. Marcos, Dr. Emilio Yap (Mla. Bulletin); Atty. Felipe Gozon (GMA) at iba pa.

Kapansin-pansin na hindi nagbatian sina Arroyo at Binay na halos magkalapit lang ang kinalalagyan. Hindi rin nakapag-usap sina Pangulong Noynoy Aquino at Rep. Marcos hinggil sa isyu ng pagpapalibing sa Libingan ng mga Bayani sa asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Magugunita na si Binay ay isa sa pangunahing kritiko ni Arroyo noong ito ay nasa Malakanyang.

Kabilang din sa entourage sina Sen. Manuel Villar at asawa nito, dating senator Mar Roxas, sina Sen. Juan Miguel Zubiri, Ramon Revilla Jr., Loren Legarda, Edgardo Angara at Pia Cayetano.

Si Pangulong Noynoy Aquino ang tumayong bestman sa tinaguriang ‘wedding of the year’ at ang aktress na si Heart Evangelista ang maid of honor.

Isa sa ipinatupad na SOP sa panahon ng seremonya ay ang ‘silent mode’ sa cellular phones na partikular na ikinaiirita ng senador maging sa Senado sa panahon ng mga pagdinig ang biglang pagtunog ng mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply