Misis, bayaw dinedo; kelot nagbaril sa sarili

DAHIL sa matinding pag-aaway, binaril ng isang lalaki ang kanyang misis at kanyang bayaw bago nagpakamatay kagabi, Hunyo 2 sa Barangay San Vicente, San Pedro, Laguna.

Ayon sa imbestigasyon, unang binaril ni Ricardo ang asawa nitong si Esperanza bago isinunod ang kanyang bayaw na si Aidie Alarcon.

Matapos barilin ang asawa at bayaw ay binaril nito ang sarili.

Napag-alaman na dakong alas-osto ng gabi nang makarinig ang mga kapit-bahay ng mga Alarcon ng magkakasunod na putok ng baril.

Agad tumawag ang mga ito ng pulis upang maimbestigahan ang pangyayari. Nadatnan ng mga awtoridad ang tatlong bangkay na naliligo sa sarili nilang dugo.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan kung ano ang dahilan ng pinag-awayan ng mag-asawa na nauwi sa kanilang kamatayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply