Misis nilamog nang mahuling kasama ang kabit, driver kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang jeepney driver matapos ipagharap ng reklamo ng unang kinasamang babae matapos pagtulungang bubugin ng una at kanyang kabit ang huli nang maaktuhan ng biktima na magkasama sa Edsa, Bagong Barrio Caloocan City.

Ang suspek na pormal nang sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 in non support in ralation to RA 7610 sa piskalya ng Caloocan ay si Bernabe Alcantara, 38, ng NDR Pangako St. Caloocan.

Ang biktima na bugbog sarado ay pormal na nagharap ng sumbong sa tanggapan ng Women & Children Protection Desk ng Caloocan police na kinilalang si Elizabeth Mojica 34, negosyante, ng 3A Cruz St., Brgy. 100 Caloocan City

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P01 Annabelle Gelle, ng WCPD, dakong 9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Edsa Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon sa ulat, nahuli ng biktima ang kanyang asawa na kasama sa ipinapasadang jeep  ang bagong kinakasamang babae na nakilala sa pangalang Violy.

Nabatid na humingi ng sustento ang biktima sa suspek para sa kanyang apat na anak pero sa halip na magpaliwanag ay bugbog, sampal at tadyak ang inabot ng biktima hanggang sa sabunutan pa ng buhok si Elizabeth ni Violy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply